December 26, 2024

NPA ‘liaison officer’ nadakip sa Surigao del Sur


BUTUAN CITY – Nadakip ng puwersa ng gobyerno ngayong Biyernes ng hapon ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur.

Kinilala ni 1Lt. Krisjuper Andreo J. Punsalan, civil-military operations officer ng 3rd Special Forces Battalion (3SFB), ang naarestong rebelde na si Ernes Abenio Valdez, 48, na umano’y liaison officer sa pagitan ng NPA’s North Eastern Mindanao Regional Committee at ang assassination unit nito, ang Special Partisan Unit (SPARU).

Ayon kay Punsalan, naaresto si Valdez ng Army at ng Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) sa kanyang tinutuluyang bahay sa Barangay Bayan, Marihatag, Surigao del Sur.

Aniya, miyembro rin si Valdez ng Militia ng Bayan sa lokalidad at kapatid ni Felizardo Abenio Valdez, party secretary ng sub-regional committee ng NPA.

“He was arrested at his residence by virtue of a warrant of arrest issued by the Regional Trial Court (RTC) in Cantilan, Surigao del Sur,” ayon sa Army official.

Nasamsam mula sa rebelde ang isang .45-caliber pistol at ammunition, isang improvised mable gun, at short magazine ng M16 rifle.

Nahaharap si Valdez sa kasong illegal possession of firearms.