May 18, 2024

NORA AUNOR AT CAST NG ‘BILANGIN ANG BITUIN SA LANGIT’ READY NANG MAG-TAPING

KAHIT may pandemic pa ay tuloy na tuloy na ang taping ng teleserye ng ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit,’ pero sinigurado naman ni Direk Laurice Guillen na ayos ang script dahil usapan nila na kapag ayos na ay tuloy-tuloy na raw ang taping.

Dahil pagkaumpisa ay naka-lock in na ang lahat sa isang lugar. At tinitiyak niyang safe at ligtas ang lahat ng kanyang mga artista dahil iyon ang gusto niyang matupad.

“Siyempre lahat kami masaya at may halong pangamba, pero siniguro naman nila na safe kaming lahat. Sinabi naman sa amin kung ano iyong tama naming gawin para habang nagte-taping kami ay safe ang lahat.

“Pero naka-lock in kaming lahat sa isang lugar, kung sino lang talaga iyong mga kasama, iyon lang ang nandoon. Artista, staff, at crew, para ligtas ang lahat,” ayon pa kay Ms. Aunor.

Nakakalungkot dahil, kailangang pairalin ang kaligtasan ng lahat at masigurong walang magkakasakit. Pero kahit hindi sila malaya sa kanilang pagtatrabaho, kailangan pa rin nilang lumaban sa pandemic na dinaranas ng lahat.