
Maghaharap si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr (40-6, 26KO’s) at WBC bantamweight champion Nordine Oubaali (17-0, 12KO’s).
Nakatakda ang laban sa May 29 sa Los Angeles, California ayon sa ulat ni Julius Julianis. Si Donaire ay no.1 contender ni Oubaali sa title.
Malaon nang hinihintay ng boxing fans ang laban ng dalawa. Hindi lumaban sa boxing ring ang four-division world champion na si Donaire sa loob ng 1 taon.
Natalo siya sa huling laban niya kay Japanese pug Naoya ‘Monster’ Inoue via unanimous decision noong November 2019.
Bagama’t 38-anyos na si Donaire, nananatili itong malakas sa bantamweight division. Still dangerous aniya ayon kay Julianis si Donaire 118-lb division.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT