November 24, 2024

NONITO DONAIRE KAY INOUE: ‘IBANG DONAIRE NA ANG MAKAKAHARAP MO SA REMATCH’

Naniniwala si Nonito Donaire Jr na nasa kondisyon na siya bilang improved fighter. Naghahanda ang ‘The Filipino’ Flash sa laban sa susunod na buwan sa Saitama Super Arena sa June 7.

Aniya, mas nararamdaman niyang lamang na siya kay Naoya Inoue. Bukod tanging sya lang ang nakalaban ng undefeated Japanese na nakatagal ng 12 rounds.

Nangyari ito sa una nilang paghaharap noong November 2019. Kung saan, nabigo ang Pinoy boxer via unanimous decision. Pero, pinahirapan nito si Inoue na kabilang sa pound-for-pound list.

Katunayan, nabarag nito ang orbital bone at ilong ng Japanese boxer. Para kay Donaire, handa na ang kanyang katawan at isipan sa rematch. Hindi na raw siya ang Donaire noon na una nitong nakaharap.


If Naoya thinks Donaire is same as in our first encounter, that’s wrong. I’m quite different as I can punch him from any angle in any position now. My skills and motivation have improved a lot. You’ll see,” ani Donaire sa Fightnews.

May boxing record ang Pinoy boxer na 42-6, 28 KO’s. Habang si Inoue ay may 22-0, 19 KO’s. Hawak din ng huli ang WBA (Super) at IBF belts. Itataya naman ng una ang tangang WBC bantamweight title sa laban.