PINAALALAHANAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga online seller na sumunod sa mga patakaran ng ahensiya sa pagpaparehistro at pagbabayad ng buwis, kasunod ng babala nito na sususpendehin ang operasyon ng non-complainant online stores sa ilalim ng kanilang Online Kandado program.
Isinagawa ni BIR Commissioer Romeo Lamagui Jr., ang pahayag bago ang inaasahang pagtaas ng mga benta sa online store sa panahon ng Christmas holidays.
Aniya, ang lahat ng online store ay kailangan magparehistro sa BIR, kahit na malaki o maliit ang kanilang operasyon.
“Pag dating sa pagrerehistro wala tayong minimum. Lahat ng nagnenegosyo, lahat ng naglalayon na magbenta online ay kinakailangang magrehistro sa aming ahensyo. Ibang usapin yung kung may babayaran ba, o may ikakaltas na buwis. Pero kinakailangan na magrehistro tayo sa BIR,” ‘saad ni Lumagui.
“Kung maliit naman ang negosyo ay wala namang babayarang buwis syempre hindi natin masabi paano kung biglang lumaki yan at hindi ka rehistrado, dapat sakop ka na agad at may babayaran ka na para madali na lang ang benta.”
Sinabi ni Lamagui na mayroong online registration portal ang BIR para mapabilis ng mga business owners na makapagparehistro sa BIR.
“Nakikipag-ugnayan tayo sa mga online selling platforms. Sinisiguro natin na naiintindihan nila ang kanilang obligasyon para imonitor ang mga accredited online sellers nila,” saad niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA