“No live fans yet if ever the PBA resumes the season,” ito ang pahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial kung sakaling mapagbigyan ng kinauukulan na payagang maikasa ang PBA season.
Sa panayam ni TV sports anchor Sev Sarmienta sa pilot episode ng Sports Page, tinuran ni comm. Martial na ang tanging hangad niya ay ang kaligayahan ng fans. Dahil ang mga fans ang buhay ng liga.
“I will always be on the side of the fans,” saad ni Marcial.
‘Yung mapanood lang nila na naglalaro na ulit ang PBA, nagbibigay ‘yun ng pag-asa sa kanila.”
Ayon kay Marcial, ginagawa na nila ang kaukulang hakbang upang makabalik eksena na ang PBA; sa gayun ay muling mapanood ng fans ang kanilang mga paboritong manlalaro sa liga.
Dagdag pa niya, kung sakaling pahintulutan, maaaring mapanood ang laro sa livestream sa pamamagitan ng FB live at Youtube channel. Wala munang fans ang maaaring makapanood ng live dahil ikakasa ang close door game gaya ng siste sa FIBA qualifying noong kalaban ng Gilas ang Australia.
Nagbibigay aniya ng pag-asa sa sambayanang Pilipino kapag nakikita ng mga fans na nagresume na ang laro. Unti-unti aniyang nakabubuhay ito ng pag-asa sa Pilipinas dahil nakabalik na ang liga. Iisipin ng mga Pilipino na unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.
“Uy,dahan-dahan nang nagiging normal. Hayan na ang PBA. Para sa akin, mahalaga iyon.So, yun ang sa akin,” aniya.
Iginiit pa ni Marcial na malalaman nila ang resulta mula sa sa inilatag nilang sulat sa IATF kung tuloy o resume ang liga. Kung sakaling payagan, sa Agosto o Oktubre aniya muling babalik ang PBA.
Para naman kay Ginebra Gin Kings guard LA Tenorio, handa na sila sa anumang mangyari— sa kung ano ang senaryo ng laro kapag walang fans. Kahit hindi sila sanay na hindi makarinig ng cheer ng Ginebra, may contingency plan sila.
“We’re all eager to play and we would love to see the fans. But we have to consider their safety first. Pero kung wala mang fans, ready na kami, may naka-record na kaming sigawan nila,” pahayag ni Tenorio .
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!