Magpapatupad ng “No leave, no Lenten Break” ang Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang pangunahing paliparan sa bansa.
Sa ilalim ng polisiya, bawal mag-leave sa panahon at pagkatapos ng Holy Week ang mga tauhan ng BI para matiyak na may sapat na personnel sa mga paliparan bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.
Sa kaniyang memorandum, sinabi ni BI Port Operations Division Atty. Carlos Capulong na hindi dapat aprubahan ang vacation leave na ihahain mula ngayong araw, April 7 hanggang sa April 15.
Kanselado din ang mga aplikasyon para sa authority to travel abroad ng sinumang BI employee na nakatalaga sa airports.
Ani Capulong, tuwing bago sumapit ang Holy Week ay tumataas ang bilang ng mga paalis na pasahero at dumarami naman ang pauwi kapag natapos na ang Holy Week.
Nitong nakalipas na linggo, umaabot sa 13,000 hanggang 15,000 ang naitatalang passenger arrivals sa mga paliparan.
Higit itong mataas kumpara sa 6,000 hanggang 9,000 lamang noong nakaraang buwan. (BOY LLAMAS)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA