January 24, 2025

‘NO LAW CAN DEFEAT THE VIRUS’, ARE YOU OKAY ATTY. HILBAY?

Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Kumustang muli ang buhay natin? Hangad ng inyong lingkod na lagi kayong nasa mabuting kalagayan.

Kahapon nga mga Cabalen, opisyal nang naging batas ang Anti-Terrorism Bill. Kung kaya, may ilan na pumalag rito. Katunayan, nagsagawa pa sila noon ng rally para pigilan ito. Anila, ‘Junk Anti- Terror Bill’.

Ang siste ng ilan kung kaya tinututulan ng mga kritiko ang nasabing batas ay dahil sa kawawa raw ang magiging biktima ng warrantless detention o 24 na araw na pagkakakulong kapag ang isang indibidwal ay mapaghinalaang terorista.

Gayunman mga Cabalen, sinabi ni National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr na hindi dapat katakutan ng mga mamamayan ang Anti-Terrorism Act— lalo na kung law abiding citizen ka o sumusunod sa batas.

Aniya, ang Anti-Terrorism Act ay pakikinabangan ng sambayanang Pilipino dahil makatitiyak tayo ng seguridad. Gayundin ang puspusang paglaban sa terorismo.

Pahaging niya sa mga tumututol, sa halip na kumahol ay dapat binala ng buo ng batas, lalo na ang probisyon; kung saan nakasaad ang proteksyon ng civil at political rights ng mga mamamayan.

Ngayon, kung may tutol o naghihimutok, maaari naman daw mag-apela sa Supreme Court ang sinoman. Wala namg batas na nagpipigil sa sinoman na kuwestiyonin ito sa Kataas-tatasang Hukuman.

Siyempre, numero unong kritiko ng batas ang mga oposisyon sa senado, na nagbabalak na maghain ng petisyon upang kuwestiyonin ang legalidad at pagiging ‘constitutionally’ ng batas.

Ang iba naman ay naghihimutok sa social media. Kesyo parang ‘Martial Law ‘ na raw ang peg sa pagiging batas ng Anti-Terror Bill. Masisikil daw ang kalayaan sa pamamahayag at karapatang pantao. Kow!

Naku, parang kabalintuan yata ang sinasabi ng tutol, ano po? In fact, malaya pa rin kayong nakapagsasalita laban sa pamahalaan. Ang pananatiling bukas ng mga media outlets ay patunay na karapatan ninyo sa impormasyon at malayang pamamahayag at pagpapahayag ay hindi sinisikil, inalis o dinidiktahan.

Kaya naman, nagbabalak ang mga tutol na magkasa ng malakihang umanong rally.Really?Okay, wala namang pipigil sa inyo.

Kung mangyayari ‘yan ay isa ngang kahugkangan. Naiisip ba ng sakaling magsasagawa at magiging onvolve doon ang kaligtasan ng bawat isa? Naisip ba nila na nasa ilalim pa tayo ng quarantine at lumalaban sa bantang Covid-19?

Kung sakaling mangyayari, siyempre hindi maiiwasan hindi maitupad ang ‘social distancing’. Sigurado yan lalo na’t kapag kakaunti ang dadalo ‘e idadaan na lang sa photoshop? Papaano kung magkalat sila ng mikrobyo at virus, mahawaan ang isa’t-isa. Tapos, isisisi nila sa pamahalaan. Oo, ang rally ay hindi akto ng terorismo, ngunit, may ibang konklusyon ang sambayanan sa ibig pakahulugan ninyo. Na ang hindi ay magiging act of terrorism na.

Okay, sige mag-rally kayo para magkahawa-hawa kayo. Hindi po ba Atty. Florin Hilbay?

Nga pala, natawa ako sa tinuran niya mga Cabalen na ‘No law can defeat the virus. No Law can defeat our will to fight for our constitutional rights.”

Nakakatawa hindi po ba? Kasi, ika nga ng FB page na Luminous nina Trixie Cruz-Angeles at Ahmed Paglinawan, tinahi ni Atty. Hilbay ang dalawang pangyayari na walang koneksyon— ‘in a pathetic attempt to sound angry, righteous and relevant while failing at every single objective.

Hindi po ba, totoo naman? Hanggang sa muli mga Cabalen.