BUMAGSAK sa kulungan ang isang mister na listed bilang No. 8 top most wanted sa kasong panggagahasa matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Amante Daro sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto kay Moises Ignacio alyas “Boy”, 58 ng Brgy. Dampalit ng lungsod.
Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant ang Subpoena Section (WSS) ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Patrick Alvarado na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Catmon ng lungsod.
Alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS kasama ang mga operatiba ng Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLt Richel Siñel at mga tauhan ng 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ignacio sa kahabaan ng Gov Pascual Ave, Barangay Catmon, dakong alas-9:30 ng umaga.
Ani P/Major Alvarado, si Ignacio ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 4, Malabon City, para sa kasong Rape.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON