ARESTADO ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang pinagtataguan sa Valenzuela City.
Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, residente ng Brgy. Bignay, Valenzuela City.
Sa report ni Labalan kay NPD Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Penones, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon mula sa NDIT-RIU, NCR na naispatan ang presensiya ng akusado sa North Ville 1, Brgy. Bignay kaya nagsagawa sila ng validation sa naturang lugar.
Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PCPT Melito Pabon, kasama ang mga operatiba ng CIDG-DSOU, NDIT-RIU, NCR, 303rd MC, RMFB3 Intelligence Section ng joint manhunt operation, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay dakong alas-4:30 ng hapon.
Ani Pabon, si Clemente ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Nelson A Tribiana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 37, Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija, para s kasong Robbery.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda