SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na listed bilang number 10 top most wanted matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Michael Santos alyas “Palaka”, 43 ng Brgy. Hulong Duhat ng lungsod.
Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy. Flores.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng sis sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Richell Siñel at Sub-Station 7 ng Malabon police ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Santos sa Pantihan I, Barangay Flores, dakong alas-7:30 ng gabi.
Ani PCPT Siñel, si Santos ay dinakip sa bisa ng warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169 ng Malabon City, para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions).
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!