Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque City.
Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.
Sa report ni BGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ang suspek sa pinalakas na Intelligence Driven manhunt Operation ng NPD DID sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).
Katuwang ng mga tauhan ng NPD DID-Tracker Team ang NCRPO Intelligence unit RID at RIU sa pinalakas na Oplan Pagtugis laban sa mga Most Wanted Person base sa direktiba ni NCRPO Chief.
Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief Danao ang mga miyembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng Oplan Saliksik na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.
Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.
Ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA