January 23, 2025

Nneka Ogwumike, bumida sa panalo ng LA Sparks kontra Phoenix Mercury

Bumida si Nneka Ogwumike sa panalo ng Los Angeles Sparks (1-0) kontra Phoenix Mercury (0-1), 99-76 sa season opener ng WNBA sa Bradenton, Florida.

Nagtala si Ogwumike ng 21 points mula sa 8-out-8 shooting. Bukod kay Ogwumike, binuhat din ni former Minnesota Lynx star Seimone Augustos ang Sparks.

Nagtala si Augustos ng 14 points mula sa 6-for-6 shooting. Samantala, nagtala ng 14 points at six assists si Skylar Diggins-Smith para sa Phoenix.

Kaugnay dito, naungkat ni Ogwumike ang dedikasyon ng liga sa social justice, partikular sa pagpaslang kay Breonna Taylor.

Noong sumalang siya sa virtual postgame news conference, sinabi ni Ogwumike na sila ay simbolo ni Taylor. Si Taylor ay dating emergency medical technician na pinaslang sa kanyang apartment noong Marso.

Nasawi ito nang magsagawa ang mga pulis ng ‘no knock’ warrant bilang bahagi ng narcotics raid.

Bago ang laro, nagbigay pugay ang mga players at coaches ng 26-second moment of silence sa court para sa 26-anyos na black woman.

 “Our movement has found its moment,” ani Ogwumike.

But that is incredibly trivial compared to what we are fighting for,” aniya.