November 24, 2024

NLEX, MAGPA-PRACTICE SA CLARK PARA SA SEASON 46 NG PBA

Kinumpirma ni NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao na lalarga sila patungo sa Clark. Doon kasi sila magre-resume ng practice para sa Season 46 ng PBA.
Kinumpirma ni NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao na lalarga sila patungo sa Clark. Doon kasi sila magre-resume ng practice para sa Season 46 ng PBA.
Photo Credit @ArangkadaNLEX

Kinumpirma ni NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao na lalarga sila patungo sa Clark. Doon kasi sila magre-resume ng practice para sa Season 46 ng PBA.

Gayunman, nananatiling naghihintay ng klaripikasyon ang liga mula sa otoridad. Ito’y kaugnay sa bagong guidelines ng bagong quarantine classification.

Isinailalim ang Metro Manila at ang ilang kalapit probinsiya sa GCQ noong March 15. Kung saan, ipinagbabawal pa ang pagbubukas indoor sports courts.

Dahil sa bagong protocols na ito, apektado ang training ng ball clubs. Kahit na nga ang pagbubukas sana ng PBA noong April ay naudlot.

Ito’y kahit na binigyan ng go-signal ng IATF ang liga na magpractice sa lugar na isinailalim sa GCQ at MGCQ.

“PBA just informed us we still cannot practice pending clarification from the DOH/IATF. So practice (in the NCR) [is] still suspended. We plan to go out of town by Wednesday or Thursday for practice in Clark,” ani Guiao.

Tinuran din ni coach Yeng at ng GM ng NLEX Road Warriors na magdaraos ng closed-circuit set-up practice ang team.

If we are not allowed to practice in NCR this week, uwian lang (kami). Last week of May, we will stay there for another week,” dagdag pa niya.