MULING nagpahayag ng commitment ang Department of Finance sa transparency at mahigpit na pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema at mga kaugnay na batas sa pagtukoy ng National Tax Allotment (NTA) shares para sa local government units (LGUs).
“We assure our LGUs that we are strictly adhering to transparency and accountability, especially with the principles set by the Supreme Court, in implementing the Mandanas-Garcia ruling. Nothing is shortchanged. We are very much welcome and open to having continued dialogues with our LGUs to help them strengthen their fiscal capacities and optimize resource utilization to deliver more and better services to Filipinos,” ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto.
Ang 2019 Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema (SC), na nagsimula noong 2022, ay nagtaas ng NTA shartes ng mga LGU sa 40% ng lahat ng national taxes maliban sa mga kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang pagsasaayos na ito ay nilayon upang mapalakas ang fiscal autonomy ng mga LGU sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mas malaking bahagi ng national tax base.
Sa isang desisyon, inutusan ng SC ang Sectary ng DOF, Secretary ng Department of Budget and Management (DBM), ang mga Komisyoner ng BIR at ng Bureau of Customs (BOC), at ang National Treasury, na isama ang lahat ng pambansang koleksyon ng buwis sa pagkalkula ng NTA base, “maliban sa mga nalilikom para sa mga pondo ng espesyal na layunin at mga espesyal na alokasyon para sa paggamit at pag-unlad ng national wealth.
Sa pagdetermina sa deductions, ginabayan ang DOF ng SC decision kasama ang Seksyon 29 (3), Artikulo VI at Seksyon 7, Artikulo X ng 1987 Konstitusyon.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT
Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving