November 2, 2024

NILBIE BLANCADA, NAGLAHO ANG PANGARAP NA MAKARAMPA SA TOKYO OLYMPICS

Hindi pinalad si Pinay surfer Nilbie Blancada na makausad sa 2021 ISA World Surfing. Gayundin si John Mark Tokong. Anupat naglaho ang kampanya ng Team Pilipinas Surfing na makapalaot sa Tokyo Olympics.

Bagama’t maganda ang ipinakita ni Blancada sa El Sunzal beach sa El Salvador, hindi ito naging sapat. Nagtapos lamang siya sa third place sa Round 5 ng repechage.

Nahablot niya ng 2019 SEA Games champion ang pole ng 2 beses. Una, ang solid 5.23 run na sinundan ng 4.23. Gayunman, bukod tanging siya lang ang nalaglag sa pagtatangang makausad.

Hindi siya nakalusot kay Amuro Tsuzuki ng Japan. Na lamang sa match-up sa huling 7 minuto. Pero, nakaungos sa posisyon ang 28-anyos na si Blancada sa naitalang 4.23.

Sa kabuuan, nakatarak si Blancada ng 9.46. Pero, nabura ni Tsuzuki ang advantage niya sa pagtala ng 5.83 wave sa kabuuang 10.43.