May 18, 2024

NIKKO NATIVIDAD, MAS PINILI SI DIREK DARRYL YAP KAYSA SA MGA KAIBIGAN

NAIIPIT si Nikko Natividad para sa pagtanggap niya ng pelikula ididirek ni Darryl Yap. Pero mas pinili niyang gawin nga ang pelikulang ‘Para Kang Papa Ko,’ dinedma niya ang mga kaibigang pinag-iingat siya.

“Iyong risk talagang sinoob iyon ni Nikko Natividad, para lamang lalong mag-improve ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

“Dinedma talaga niya ang mga taong nagtitiwala sa kanya, pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga totoong taong nagtitiwala sa kanya na kinamumuhian nila si Direk Darryl Yap. Ayaw nila kasing mabiktima si Nikko na, ma-cancel culture ni Direk Yap.

“Pero hindi nakinig si Nikko Natividad, mas inuna nito ang kanyang desisyon kaya ang ending hindi nila ito sinuporthan sa gusto ng actor,” mataray na pahayag ng aking source.