Nag-courtesy visit ang mga kinatawan ng Nike Asia Pacific kay Bureau of Customs – Intelligence Group (BOC-IG) Deputy Commissioner Juvymax Uy para pasalamatan ang ahensiya sa kanilang matagumpay na pagkakasabat sa pekeng Nike products sa pamamagitan ng implementasyon ng Letters of Authority laban sa paglabag sa Intellectual Property (IP) rights.
Ang BOC sa ilalim ng liderato ni Commissioner Bienvenido Rubio at sa suporta ni Deputy Commissioner Uy, ay pinaigting ang operasyon nito laban sa mga pekeng produkto.
Ininspeksyon din kamakailan lang ang ilang warehouse at storage sa Maynila at Malabon ng BOC-IG, kung saan nakumpirska ang bilyong halaga ng pekeng produkto, tulad ng pekeng Nike shoes. “The Bureau of Customs’ continuous actions in combating illicit goods at the border or the supply source, which greatly encourages foreign investments in our country,” saad ni Deputy Commissioner Uy.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA