
Kuminang sina Julius Randle at Evan Fournier sa panalo ng New York Knicks sa Boston Celtics, 138-134. Ang laban ng dalawa ay isa sa entertaining NBA season.
Nanguna sa opensa si Randle na nagtala ng 35 points, 8 boards at 9 assists.Bumira naman si Evan Fournier ng career-high na 32 points.
Nakabuslo rin ito ng go-ahead 3 pointer, may 56.1 seconds sa second overtime. Kaya nakaabanse ang Knicks sa 136-134. Nag-ambag din ito ng 6 boards at 4 steals. Si RJ Barrett naman ay kumana ng 19 points, 5 boards at 2 assists.
Sa panig aman ng Celtics, nasayang ang 46 points ni Jayleen Brown. Bumanat din ito ng 9 boards at 6 assists. Naglista naman si Jayson Tatum ng 20 points, 10 boards at 4 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT