
NAGING mapayapa at ligtas ang selebrasyon ng Bagong Taon sa Bulacan, ayon sa Police Provincial Police Office ng nasabing lalawigan.
Inihayag ni Bulacan Police Director, Col. Relly Arnedo, nitong bandang alas-9:00 ng umaga tanging siyam lamang na firecracker-related injuries ang naitala sa mga munisipalidad ng probinsiya – Santa Maria na may apat na naitalang nasugatan, tatlo sa sa San Miguel, isa sa Hagonoy at isa rin sa Bulakan.
Wala ring naitala na tinamaan ng ligaw na bala.
Pinuri ni Col. Arnedo ang kanyang mga tauhan para sa mahusay na trabaho at dedikasyon sa kanilang responsibilidad upang tiyakin na ligtas at maayos ang pagsalubong sa 2023.
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA