Balak ni Nesthy Petecio na muling sumabak sa 2024 Paris Olympics. Ito’y matapos ang kanyang silver medal finish sa Tokyo Olympics.
Aniya, ginawa naman niya lahat para makuha ang gold. Pero, sadyang matinik ang kalabang ni Sena Irie ng Japan.
Humihingi rin siya ng pasensiya sa kanyang na-accomplished.
“Tanggap ko naman po ang desisyon ng mga judge. OKay lang po. Pero, sa tingin ko po, parang ako po yung nanalo,” wika ni Nesthy.
” Actually po, bronze nga lang po ang hinihingi ko kay Lord. Pero, mas higit pa ang Kanyang ibinigay,” aniya sa PSA Forum.
Gusto ni Nesthy na pauwiin na ang kanyang ate na nagtratrabaho sa Japan. Dahil sa kanyang pagsungkit sa silver, magbubulsa si Nesthy ng P15-million plus. Gayundin ng condo unit at house and lot.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2