Balik training bukas si Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio. Layun nitong makasama ang kanyang national boxing teammates sa training bubble. Na idaraos sa Teachers Camp. Gusto ni Petecio na makabalik sa kanyang porma bilang preparasyon sa sasabakang tatlong major tiff sa 2022.
Aniya, plano niyang idepensa ang kan yang world championship gold medal sa Istanbul sa March 2022. Gayundin sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi at ang 19th Asian Games sa Huangzhou sa Setyembre.
“Gusto ng mga coaches ko na lumaban ako sa Turkey para ma-defend ko ‘yung title ko,” ani Petecio.
“Pero siyempre dapat bumalik muna ako sa aking fighting form,” aniya.
Si Nesthy ang reigning women’s featherweight world champion. Nahablot niya ang title nang manalo sa Ulan-Ude, Russia noong 2019.Susuntok sana siya women’s world championship ng International Boxing Association. Pero, iniurong ito sa Marso 2022 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!