Puntirya ni Pinay featherweight boxer Nesthy Petecio na madagit ang isa pang gold medal para sa bansa. Gayundin si pole vault sensation EJ Obiena. Kapwa pumalaot sa finals ang dalawa sa kanilang sinasalihang sport.
Sa kanyang pag-upak sa olympics boxing finals, makatatapat ni Petecio ang dati nang kalaban. Familiar foe sa katauhan ni Japanese Sena Irie. Katunayan, tatlong beses na silang naglaban.
Maghaharap ang dalawa sa August 3. Naglaban na ang dalawang boxers 2 taon na ang nakararaan. Una, sa ASBC Asian Boxing Confederation Boxing Championships. Nangyari ito noong April 19, 2019 sa Bangkok. Kung saan, nagapi ni Irie (20) si Petecio (27) via split decision.
Ikalawa, nagsagupa muli sila sa World Women’s Boxing Championships sa Ulan Ude, Russia. Nanalo rito si Petecio via majority desicion. Ikatlo sa Olympic Qualifiers noong March 9, 2020 sa Amman, Jordan.
Kung saan, natalo si Nesthy via unanimous decision. At ang ikaapat nilang bout ay sa finals ng featherweight olympic boxing.
Samantala, tatangkain naman ni Obiena na makalusot para sa gold medal sa vault finals.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison