
To the rescue si Neri Naig-Miranda sa isang bride na nagviral sa social media matapos mabiktima ng scam.
Ang babae ay nakilala lamang si Cherry Pie na mula sa Purisima, Cebu. Napahiya ang bride sa reception area kung saan tinabla sila dahil di raw naka-book sa kanila. Sarado ang venue kaya napahiya ang bagong kasal at mga kaanak nito sa mga bisita.
Kaawa-awa ang babae nang mapahagulhol at mapaupo sa sahig dahil sa sama ng loob. Kaya naman, sinabi ng Neri na sagot na niya ang gastos sa reception.
Nang mapanood ng aktres ang viral video, nagpost siya sa kanyang Facebook account para mahanap ang pamilya ng bride.
“Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako. Kami na bahala sa reception niya,” saad ng aktres na misis ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda..
In-offer ni Neri ang kanyang Korean restaurant sa Cebu. Sa gayun ay doon idaos ng newly coule ang kanilang naudlot na reception.
Ayon sa pamilya ng bride, fully paid na sila sa wedding coordinator na si Naser Fuentes. Kaya, laking dismaya at gulat nila kung bakit ganun ang nangyari.
Huli nila itong nakita na nag-aayos ng bulaklak at decoration sa chapel kung saan idaraos ang kasal. Pero, nung mismong araw na ng wedding, naglaho itong parang bula.
More Stories
Baron Geisler pinalaya matapos magbayad ng multa (Nalasing, nagwala)
Komedyanteng si Matutina pumanaw na, 78
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48