May 17, 2024

AIKO MELENDEZ, PINAGBABANTAAN DAHIL SA PLANONG PAGTAKBO SA ELECTION

Puntirya raw pala ni Aiko Melendez na kumandidato sa 2022 elections. Pero, di pa niya inaanunsiyo kung anong posisyon ang tatakbuhan. Pero, sa kabila na plano pa lang niya ito, may sumisira na agad sa pangalan niya.


Kamakailan ay may umupat sa kanyang ginawang pagtulong sa Quezon City. May nagtatanggal ng kanyang traupulin at may natatanggap din daw siyang pagbabanta. Ayon sa isang showbiz host, mapapahamak daw si Aiko kapag ituloy niya ang kanyang kandidatura. Whew!


Ayon kasi kay Ogie Diaz, may nagpapadala raw ng message sa actress ng pagbabanta. Ayon dito, alam daw nila kung saan nakatira si Aiko at alam ang bawat galaw nito.


Kasi, lagi daw sila nakamasid. Siyempre, sino pa ba ang gagawa nun? Kundi ang mga takot kay Aiko kung sakaling ituloy niya ang pagtakbo. Kasi, mukhang malakas si Aiko at may kalalagyan sila. Payo namin kay Aiko, huwag siyang magpaapekto. Ipagbigay aam niya sa otoridad ang tungkol dito at baka may nagti-trip lang sa kanya.