
TINIYAK umano ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte na kayang buksan ang mga negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pahayag ito ng IATF kay Pangulong Duterte na kumonsulta sa kaugnay sa ginagawa ng pag-arangkada ng mga negosyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Duterte ang nagtanong kung kakayanin na ba talagang mag-business as usual.
Ayon kay Sec. Roque, tiniyak ng IATF na wala naman daw problema basta ipatupad lang ang localized lock down habang dapat din paigtingin ang testing at contact tracing.
Huwag din daw palabasin ang mga senior citizens na tinaguriang vulnerable o madaling malagay sa peligro sa sandaling ma-expose sa COVID-19.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
‘TOL’ Tolentino Nagpugay sa 22-Medal Haul ng PH Kickboxing Team na Sumabak sa Bangkok World Cup
MGA NAGING TAGUMPAY NG 550th AIR BASE GROUP SA BUWAN NGMARSO 2025