December 29, 2024

NDRRMC: 12 PATAY KAY ‘ODETTE’



Iniulat ngayon ni Office of Civil Defense administrator at NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad kay Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot na sa 14 ang iniwang patay sa pananalasa ng bagyong Odette.

Sa naturang bilang ang dalawang casualties ay patuloy pa umanong beneberipika.

Liban nito meron din umanong pitong mga missing at dalawang sugatan.

Narito ang inisyal na report mula kay Usec. Jalad sa mga bilang na casualties:

Western Visayas

2 – Guimaras

2 – Negros Occidental

1 – Iloilo City

Central Visayas

2 – Cebu City

2 – Lapu-Lapu City

Eastern Visayas

1 – Southern Leyte

Northern Mindanao

1 – Bukidnon

Caraga

2 – Surigao Island

Una rito, ay nagpatawag ang pangulo ng briefing sa Malacanang upang malaman ang sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Kinumpirma rin naman ng Pangulong Duterte na sasama siya sa aerial survey at posibleng bumisita sa mga lugar ng Leyte, Surigao, Cebu, Bohol, Bacolod, Iloilo at iba pang lugar kung may panahon siya.