IPAPAKALAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 1,400 pulis para sa siguraduhin ang seguridad at kapayapaan sa pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) simula Oktubre 1 hanggang 8.
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. idedeploy ang mga pulis malapit sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Maynila at iba pang lugar.
Inatasan na rin ni Nartatez ang lahat ng district directors sa Metro Manila na magtalaga ng mga tauhan para sa crowd control at pagsasaayos ng traffic.
Maging ang pag-set up ng mga help desk na tutulong sa mga kandidato at publiko ay iniutos din ng opisyal. “Let us all work together to make this crucial step in our democratic process peaceful and orderly,” ayon kay Nartatez.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA