November 17, 2024

NCRAA TEAM AIMS BLUE SHARKS SINAKMAL ANG PERPETUAL NG NCAA SA PUBL

NAUNGUSAN ng Asian Institute of Maritime Studies Blue Sharks ang University of Perpetual Help Altas sa kanilang pagtutuos para sa tersera puwesto ng  Philippine Universities Basketball League nitong nakaraang weekend sa Lasam Gym,Abad Santos sa Maynila.

   Dikdikan ang laban ng tropang Pasay at pangkat ng Las Piñas magmula sa unang yugto kung saan walang nakadistansya ng double digits hanggang ang matatag sa  endgame ay ang namayaning AIMS Blue Sharks ni coach Kiko Flores,69-67.

   Ang halftime score ay 36-29 angat ang Altas.

    Bumubuntot ang mga Marino hanggang sa huling minuto tampok ang tres ni rookie Matthew Lapira na  sinundan ng panablang layup   ni skipper Jericho Peralta na siya ring umiskor ng winning free throws upang saklitin ng Blue Sharks ang tersera puwesto sa ligang may basbas ng Federation of School Sports Association of the Philippines( FESSAP)

  ” We put a lot of effort all game long specially on defense.Hindi sila bumitaw.I have 11 rookies at lahat ay nagstep up para manalo,” wika ni coach Flores na nagpaabot ng kanyang pasasalamat  sa buong AIMS community at sa management na todo suporta sa ating basketball program .

 “Thanks a lot specially Sir Ted Cada,our president Ma’m Arlene and Ma’m Janet,boss Arvel  Cabalon at boss Jhayar  Cola.Next season we will do our best to make it to the finals.”

    Kumamada ng 18 puntos si Peralta,15 kay Lapira,tig-8 puntos sina Jasper Patrick Boac at Gushtin  Gurrea at nag-ambag din ng puntos sina Alexis Himan,Florence Montilla,JB Odvina,Johrey Jardeleza,CJ Fra cisco II at Mark Reyes gayundin sa ibang departmento sina Andrei Geronimo , Rainier Jornacion,Clyde Brillantes at Reiven Garviles.

  ” It’s a huge win for us lalo na versus powerhouse NCAA team.High five sa mga bata”,sambit naman ni AIMS team manager VP Cada sa panayam sa espesyal na okasyon ni NCRAA general manager Buddy Encarnado,dating top brass ng Sta Lucia Realtors sa PBA.

 Samantala,tinalo ng Mapua ang PCU para sa kampeonato.