November 5, 2024

NCR Palaro… PODIUM FINISH SA UNANG SABAK NI ISABEL

AGAD na naramdaman ng taekwondo community ang potensyal ng upcoming jin star na  si Isabel del Rosario matapos ang impresibong podium finish niya sa nakaraang Regional Athletic meet (NCR Palaro) na ginanap sa Taguig City University.

Dinaig ni Isabel, anak ni Olympic taekwondo icon/official Monsour Del Rosario ang kanyang buwenamanong katunggali na fighter mula  Malabon na sinundan pa ng kumbinsidong panalo niya kontra San Juan rival sapat na upang makaseguro ng quarterfinals slot at awtomatikoñg bronze medal para sa potensyal na taekwondo jin ng bansa sa hinaharap.

Ang nakakopo ng gold medal sa kaganapang inorganisa ng DepEd para sa Palarong Pambansa ang siyang world champion sa 46-49 kg category habang ang sumungkit ng silver medal ay ang pambatong fighter mula Army taekwondo camp.

“Isabel is now the 3rd best taekwondo fighter in her division in the entire National Capital Region and we are very proud of her,” pahayag ng kanyang proud father na si (Monsour) Del Rosario na tiniyak ang kanyang todo suporta sa kanyang anak na sumusunid savkanyang yapak bilang atleta.

“The daughter also rises.Isabel’s determination in this combat sport is a gem to be treasured by the sports community for the country”, pahayag naman ng kanyang mga tagahanga sa larangan.