
Pumalaot na rin sa semis ng Eastern Conference ang Milwaukee Bucks pagkatapos likidahin ang Orlando Magic, 118-104 sa Game 5.
Nanguna sa ratsada ng Bucks si Giannis Antetokuomnpo na nagbuslo ng 28 points at 17 boards at 3 assists. Nag-ambag naman ng 21 puntos at 10 boards at 7 assists si Khris Middleton.
Gumawa naman ng 22 puntos, 15 boards at 5 assists si Nikola Vucevic sa Magic. Umalalay naman si Evan Fournier ng 18 points, 2 boards at 3 assists.
Sa iba pang laro sa Game 5 ng playoffs, pinasabog naman ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder, 114-80.
Bumida sa panalo ng Rockets si James Harden na naglista ng 31 points, 2 boards at 5 assists. Umalalay naman si Robert Covington sa paglista ng 22 points, 7 rebounds at 3 assists.
Sa panig naman ng Thunder, gumawa ng 19 points si Dennis Schroder. Nagdagdag naman si Chris Paul ng 16 points at 6 rebounds.
Narito ang stats ng Rockets-Thunder sa Game 5
HOU:James Harden: 31 Pts. 2 Rebs. 5 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Robert Covington: 22 Pts. 7 Rebs. 3 Asts. 3 Stls.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT