Nagtuwang sina Dennis Schroder at Chris Paul sa isang comeback from behind win kontra Houston Rockets, 117-114 sa Game 4 ng NBA playoffs.
Nagtapos ang dalawang guards sa 56 points combination sa pagkuryente ng Oklahoma City Thunder sa Rockets.
Kaya, naitulak ng Thunder na tumabla sa 2-2 sa serye. Bumuslo si Schroder ng 30 points, 1 rebound at 3 assists. Naglista naman si CP3 ng 26 points, 6 boards at 3 assists.
Samantala, nanguna naman si James Harden sa Rockets sa pagbuslo ng 32 points, 6 boards at 14 assists. Nag-ambag naman ng 23 pts, 1 rebs at 3 boards si Eric Gordon.
Samantala, winalis naman ng Miami Heat ang Indiana Pacers sa Game 4, 99-87 sa NBA playoffs.
Bumuslo si Goran Dragic ng 23 points, 5 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si Tyler Herro ng ng 16 points, 5 boards at 4 assists.
Nanguna naman si Victor Oladipo sa Pacers sa pagtala ng 25 points, 8 boards at 5 assists. Nag-ambag naman ng ng 22 pts, 14 boards at 5 blocks si Myles Turner.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!