
Pumanaw na si dating Indiana Pacers legend George McGinnis sa edad na 73.
Ayon sa kampo nito na dahil sa kumplikasyon mula ng ito ang ma-cardiac arrest noong nakaraang linggo ang sanhi ng kamatayan niya.
Ilang araw itong nanatili sa Community Hospital North sa Indianapolis at doon na nalagutan ng hininga.
Tinanghal si McGinnis bilang Mr. Basketball ng Indiana noong 1969.
Naglaro ito ng pitong season sa Pacers at lumipat sa Denver Nuggets noong 1979 hanggang 1980 bago bumalik sa Indiana.
Ang 6-foot-8 na manlalaro mayroong average na 20.2 points, 11.0 rebounds at 3.7 assist per game. RON TOLENTINO
More Stories
PH umaangat sa global competitiveness ranking, pero kulelat pa rin sa Asia-Pacific
Ang Dilemma ng Teacher Exodus sa Gitna ng Kakulangan sa Pagpapahalaga
DMCI Homes at MPower, nagsanib-puwersa para sa mas murang kuryente sa mga condominium