January 24, 2025

NBA legend Michael Jordan, bumuo ng racing team para sa NASCAR

Pinasok na rin ni NBA legend at former Chicago Bulls star Michael Jordan ang NASCAR.

Katunayan, nakisosyo si Jordan kay 3-time Daytona 500 winner Denny Hamlin.

Bumuo sila ng bagong team para sa NASCAR Cup series race. Kinuha ng dalawa si Bubba Wallace upang siyang mag-drive.

Si Wallace ang tanging Black man na nagda-drive ng full-time sa NASCAR top series. Naging forefront din siya ng social changes sa racing league.

Kabilang na rito ang banning ng Confederate flags sa NASCAR events at tracks.

 “Growing up in North Carolina, my parents would take my brothers, sisters and me to races, and I’ve been a NASCAR fan my whole life,”  

The opportunity to own my own racing team in partnership with my friend, Denny Hamlin, and to have Bubba Wallace driving for us, is very exciting for me.

Si Jordan ay naging first Black owner ng full-time race team sa NASCAR top series ngayon. Bago nito, nauna na si Hall of Famer Wendell Scott noong 1960’s at early 1970’s.Si Scott ay may-ari ng team at siya rin ang nagmamaneho.