NAGSIMULA na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pamamahagi ng livelihood assistance sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program kung saan nasa 673 beneficiaries ang nakatanggap ng kanilang P1,000 cash aid sa unang araw ng payout.
Kabilang dito ang 38 jobseekers na nagtapos noong 2020-2021; 339 displaced workers; 25 delivery rider; 65 jeepney drivers; anim na local cooperatives; 38 na may-ari ng mga establisyimento na sarado at hindi pinapayagang mag-operate sa panahon ng heightened quarantine restrictions; at 162 bagong negosyante.
“As COVID-19 cases dwindle, our economy also continues to open up. However, many Navoteños still reel from the effects of the pandemic,” ani Mayor Tiangco.
“We want to give them as much help as we can until they are back on their feet and earning enough to provide for themselves and their families,” dagdag niya.
Ang pamamahagi ng Navo-Ahon Ayuda ay naka-eskedyul hanggang March 23 para ligtas na mapaunlakan at mapagsilbihan ang 11,730 pang beneficiaries kung saan 1,772 dito ang mga tricycle at pedicab driver habang 9,958 ang rehistradong fisherfolk.
Ang Navo-Ahon Ayuda ay parte ng isang serye ng pandemic recovery programs na ang pamahalaang lungsod ay pumila para sa Navotenos.
Nauna rito, nagbigay ang Navotas ng tax amnesty sa mga indibidwal at negosyo sa pamamagitan ng General Pandemic Amnesty Program at nagbigay ng mga diskwento sa mga on-time na taxpayers sa ilalim ng Pandemic Recovery Assistance Program.
Nangako rin ang pamahalaang lungsod na sasagutin ang P3,000 deficit ng Department of Social Welfare and Development para sa 4,820 qualified family-beneficiaries ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program 2nd tranche. (JUVY LUCERO)
More Stories
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!