May 17, 2024

Navoteño nabigyan ng bigas at cash assistance

NASA 2,500 Navoteño na bahagi ng vulnerable sector ang nabigyan ng 25 kilos na bigas at P1,050 cash assistance sa ilalim ng Malaya Rice Project na programa ng House of Representatives at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagpasalamat naman si Mayor John Rey Tiangco kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Cong. Toby Tiangco, at sa DSWD sa pagsulong ng naturang proyekto na malaki aniyang tulong sa mga Navoteñong bahagi ng vulnerable sector. (JUVY LUCERO)