November 3, 2024

NAVOTAS’ POSITIVITY RATE BUMABA SA 5% (Naglalayong mapanatili ang 3% sa loob ng 2 linggo)

NAABOT na ng Navotas city ang threshold ng World Health Organization’s na limang posyento positivity rate.

Ang City Health Office ay nakapagtala ng 72 bagong kaso mula sa 1,458 tests na isinagawa mula September 27 hanggang October 3, 2020.

“A low positivity rate suggests that there are fewer people in Navotas getting infected with the Coronavirus Disease (COVID-19). Out of 100 tested, only five turned out positive,” paliwanag Mayor Toby Tiangco.

“While we are relieved that our COVID situation is not as dire as before, we should continue to be careful and vigilant. Our numbers could still skyrocket any time, especially if we disregard safety measures.” dagdag niya.

Sinabi ni Tiangco na ang lungsod ay nagtala ng isang nakakagulat na 54% na positivity rate sa linggo ng Mayo 17-23.

Nagtala din ito ng 920 mga bagong kaso noong Agosto 2-8, isang linggo matapos na magpatupad ang Navotas ng 14-day lockdown sa buong lungsod at nagsimulang magsagawa ng malawakang community testing.

“Let those harrowing weeks serve as our lesson and warning. Lives are at stake. We cannot let our guard down,” aniya.

“We need to continue our strategy of intensified community testing, contact tracing and isolation and treatment. We should aim to reach and sustain a three percent positivity rate for two weeks,” sabi pa niya.

As of October 5, ang Navotas ay may 165 active cases, 141 ang namatay at 4,639 ang recoveries.