November 18, 2024

NAVOTAS, NHA MAGTATAYO NG KARAGDAGAN IN-CITY HOUSING

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at National Housing Authority (NHA) ng groundbreaking ceremony sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, at NHA General Manager Joeben Tai ng groundbreaking ceremony upang simulan ang pagtatayo ng NavotaAs Homes 3 – Tanza sa Brgy. Tanza 1 na maaaring masisilungan ng 1,440 pamilyang Navoteños. (JUVY LUCERO)

SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at National Housing Authority (NHA) ang pagtatayo ng NavotaAs Homes 3 – Tanza, kasabay ng isinagawang groundbreaking ceremony noong Martes. 

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, at NHA General Manager Joeben Tai ang seremonya sa 5.6 hectare project, na may 24 five-storey buildings na maaaring masisilungan ng 1,440 pamilyang Navoteños sa Brgy. Tanza 1.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Tiangco ang intensyon ng pamahalaang lungsod na magtayo ng mas maraming in-city socialized public housing.

“A number of Navoteño families still live in danger zones along the coast or waterways. That is why we give high priority to providing safe and quality homes,” aniya.

Although Navotas is small in terms of land area, we will continue to work, in partnership with NHA and DHSUD, to provide more housing options for our people,” dagdag niya.

Ang Navotas ay mayroong limang in-city housing projects na may kabuuang 2,187 units. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilyang nakatira sa mga danger zone o naapektuhan ng sunog at iba pang mga sakuna.

Dumalo rin sa groundbreaking ceremony sina DHSUD Undersecretary Atty. Avelino Tolentino III, NHA NCR North Regional Director Engr. Jovita Panopio, at mga opisyal ng lungsod at barangay ng Navotas.