Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot magpabakuna.
Aniya, sa ngayon ay umabot na sa 3,212 na mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ang Navobakunado na kontra Covid-19 sa lungsod.
Dagdag niya, kung nabakunahan ang inyong anak noong nakaraang linggo, hintayin lamang po ang abiso mula sa pamahalaang lungsod kung kailan ninyo makukuha ang kanilang Happy Meal.
Muli namang hinihikayat ng alkalde ng lungsod ang mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang kanilang mga anak para mabigyan sila ng proteksyon laban sa sakit.
“Alam po natin na walang pinipili ang Covid kaya dapat mapabakunahan natin ang mga bata para na rin maihanda sila sa pagbubukas muli ng face to face classes,” pahayag ni Mayor Tiangco. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY