KINILALA ng Department of Health (DOH) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas dahil sa ipinalamas nitong kahusayan matapos malampasan ang nakaraang Chikiting Bakunation target.
Personal na tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang isang Certificate of Recognition mula kay National Capital Region (DOH-NCR) Director Dr. Gloria Balboa na iginawad para sa pamahalaang lungsod.
Ito’y matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng Navotas ng Chikiting Bakunation program kung saan nalampasan nito ang kanilang target sa pagbabakuna.
Ang Navotas ay nakapagbakuna ng 929 0-23 months old mga bata o 115 percent na target nito laban sa iba’t ibang sakit.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Mayor Tiangco ang mga kawani mula sa City Health Department na nanguna sa nasabing aktibidad.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?