NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nu Mayor Toby Tiangco sa pagdiriwang ng World Teahcers Day, kasabay ng unang araw ng pasukan ngayong school year 2020-2021.
Ayon kay Mayor Tiangco, simula pa man noong Pebrero, nang unang magkaroon ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa, puspusan na ang paghahanda ng ating mga guro para sa pasukan ngayong taon.
Sinabi pa niya na hindi biro ang kanilang pagsasakripisyo lalo na kailangan nilang gumawa ng mga bagong modules, mag-aral ng makabagong teknolohiya, at umangkop sa makabagong pamamaraan ng pagturo.
“Ngayong World Teachers’ Day, sumasaludo at nagpapasalamat po tayo sa lahat ng ating mga guro pati na sa mga magulang, guardians at volunteer tutors na magsisilbing gabay ng ating mga kabataan ngayong pasukan”, ani Mayor Toby.
“Katulad ng pagtutulungan natin para malabanan ang COVID-19, mapagtatagumpayan din natin ang hamon sa sektor ng edukasyon dahil sa ating pagdadamayan at pagmamalasakit sa isa’t isa”, sabi pa niya.
“Happy World Teachers’ Day and have a safe first day of school!” pahayag na pagbati ng alkalde.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO