January 19, 2025

NAVOTAS, NAGSIMULA NANG MAMAHAGI NG TAUNANG NAVOSPASKO HAM

KASAMA ang kanyang mga anak, pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang kickoff ng pamamahagi ng NavoPasko hams sa bawat pamilyang Navoteño na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtiyak na mararamdaman ng bawat pamilya ang init ng kapaskuhan. (JUVY LUCERO)

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pamamahagi ng NavoPasko hams sa bawat pamilyang Navoteño.

May 84,598 hams ang ibibigay sa mga pamilyang Navoteño na naninirahan sa lungsod hanggang Disyembre 21, 2024, bilang bahagi ng pangako ng lungsod sa pagpapalaganap ng saya at holiday cheer ngayong Kapaskuhan.

Kasama ang kanyang mga anak, pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang kickoff ng pamamahagi, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtiyak na mararamdaman ng bawat pamilya ang init ng kapaskuhan.

“Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Ang ating taunang NavoPasko ham distribution ay isang simpleng paraan ng pamahalaan para ipadama sa bawat Navoteño na sila ay mahalaga at bahagi ng ating pamilya dito sa Navotas,” pahayag ni Mayor Tiangco.

Ang proseso ng pamamahagi ay inayos upang matiyak ang kahusayan at accessibility. Pinapayuhan ang mga residente na maingat na sundin ang mga pamamaraan at kinakailangan batay sa katayuan ng pag-verify ng NavoRehistro ng kani-kanilang barangay:

“We encourage all Navoteños to follow the procedures set for their barangays to ensure a smooth and organized distribution. Sama-sama po nating ipagdiwang ang diwa ng Pasko sa ating mahal na lungsod,” dagdag niya.

Para sa updates at iskedyul, pinapayuhan ang mga residente na sundan ang Navoteno Ako-Public Information Office Facebook page at iba pang opisyal na social media platform ng Pamahalaang Lungsod.