NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 335 smart TVs at 169 ceiling fans sa labindalawang public elementary at high schools sa lungsod.
Nakatanggap din ang Navotas Schools Division Office ng tatlong smart TVs at mga fan para sa bagong gawang Media Center at Conference Room nito.
“Our goal is to provide Navoteño students with the best learning environment,” ani Mayor John Rey Tiangco. “Students who feel comfortable and safe will be able to study harder and learn more.”
Isang smart TV at dalawang ceiling fans ang inilaan sa bawat classroom ng bagong gawang four story school buildings sa lungsod.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang Bangkulasi Elementary School, Kapitbahayan Elementary School, Navotas Central at Navotas 1 Elementary Schools, San Rafael Village Elementary School, San Roque Elementary School; Tangos Elementary School, at Tangos 1 Elementary School.
Kabilang naman ang mga tumanggap na secondary school ang Tanza National High School, San Rafael Tech-Voc High School, San Roque National High School, at Tangos National High School.
Noong Marso ngayong taon, pinasinayaan ng Navotas ang 11 bagong itinayong apat na palapag school buildings.
Noong Setyembre, sinimulan ng lungsod ang pagtatayo ng siyam na karagdagang school buildings.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!