PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, at San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para mabawasan ang polusyon sa Navotas River sa pamamagitan ng Adopt-a-River Program.
“Almost 70% of our population rely on fishing and other related industries as their main source of income. Thus, it is imperative for us to improve the quality and condition of the waters that surround us,” saad ni Tiangco.
“Our ultimate goal is to restore the waters surrounding Navotas to a classification fit for fishing, swimming, and other recreational water activities. Hence, we fully support the Adopt-a-River Program to clean up and rejuvenate our bodies of water,: dagdag niya.
Sa ilalim ng MOA, pangungunahan ng Navotas ang pag-alis ng mga sagabal sa mga daluyan ng ilog sa lungsod, at maglalabas ng mga kinakailangang permit at pag-apruba upang matiyak na walang sagabal sa dredging activities at pagpapatupad ng programa.
Sa kabilang banda, ang SMC ay magbibigay ng pondo para sa lahat ng kinakailangang kagamitan at mga gastos sa pagpapatakbo nito, pati na rin ang manpower suppor upang makumpleto ang proyekto.
Magbibigay din sila ng iba pang mga solusyon sa engineering tulad ng traps installation, rechanneling ng mga ilog, at iba pang mga hakbang sa kapaligiran.
Samantala, ang DENR at DPWH ay magbibigay ng teknikal na kadalubhasaan para sa proyekto kabilang ang paghahanda at pag-apruba ng naaangkop na Detalyadong Disenyo ng Inhenyero.
Makikipag-ugnayan din ang DENR sa iba pang concerned national agencies para mapabuti at maibalik ang buhay ng dagat sa ilog, maiwasan ang marine pollution at obstruction para matiyak ang maayos na nabigasyon ng tubig sa lungsod, at tumulong sa paglipat ng mga informal settlers sa mga apektadong lugar.
Ang Adopt-a-River program ay naglalayon din na mabawasan ang pagbaha sa pamamagitan ng pagpapalalim at pagpapalawak sa mababaw at makitid na bahagi ng mga waterbodies ng Navotas kung saan ang kasunduan ay may bisa sa loob ng limang taon.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS