May 19, 2024

Navotas grand parade

LIBO-LIBONG Navoteños ang nag-abang at sumaksi sa Grand Parade na bahagi ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day para personal na makita ang kanilang hinahangaang artista na sina Bianca Umali at Jillian Ward na sakay ng makukulay na mga float, kasama sina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco. Sumama din sa parada ang mga opisyal, empleyado, senior citizen, faith-based, pribadong mga organisasyon, sektor ng negosyo at edukasyon. (JUVY LUCERO)