Ipinagbawal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang paggamit ng mga paputok at anumang iba pang mga aparato o materyales na pyrotechnic.
Sa Executive Order No. TMT-060, sinabi ni Mayor Toby Tiangco na bukod sa mabawasan ang peligro ng pinsala, makakatulong ang pagbabawal na mabawasan ang mga pagkakataong magtipon dahil sa pagpapakita ng paputok.
“People go out to the streets to light firecrackers or witness fireworks display. However, because of the pandemic, we must avoid any mass gathering,” ani Navotas Mayor.
Ipinagbabawal ang mga pagtitipon na naaayon sa Inter-Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases Omnibus Guidelines sa pagpapatuoad ng Community Quarantine.
“We want Navoteños to celebrate Christmas in the safety of their homes. Cases of COVID-19 are increasing. We need to enforce additional safety measures to prevent further virus transmission,” dagdag niya.
Ang EO TMT-060 naaayon sa Regional Peace and Order Council Resolution No. 19-2020. (JUVY LUCERO)
More Stories
DTI TINULUNGAN ANG TESDA STUDENTS SA JOB MARKET
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN