BILANG bahagi ng pagwawakas ng week-long selebrasyon ng ika-19th Navotas Cityhood Anniversary, inilunsad sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang NavApp—ang opisyal na digital gateway ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na isang hakbang tungo sa mas mabilis, mas accessible, at mas responsive na serbisyo-publiko para sa lahat ng Navoteño. (JUVY LUCERO)
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang NavApp—ang opisyal nitong digital gateway na isang hakbang tungo sa mas mabilis, mas accessible, at mas responsive na serbisyo-publiko para sa lahat ng Navoteños.
Isinagawa ang panglulunsad ng NavApp sa Navotas Convention Center, bilang bahagi ng pagwawakas ng week-long na pagdiriwang ng ika-19th Navotas Cityhood Anniversary.
Ayon kay Mayor Tiangco. ang NavApp ay patunay ng kanilang pangako na gawing mas mabilis, mas maginhawa, at mas accessible ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod para sa bawat Navoteño.
Sa pamamagitan aniya ng NavApp, mas madali nang makipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod—mula sa pag-book ng appointments, pagbayad ng city transactions, pagproseso ng business permits, hanggang sa pagtanggap ng mahahalagang balita at anunsyo ang mga Navoteño.
Kung wala pang NavApp, i-download na ito at gumawa ng inyong NavoRehistro account para masimulan nang gamitin ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaang lungsod.
Nagpasalamat naman ang Tiangco brothers sa lahat ng nakiisa sa paglulunsad ng NavApp kabilang ang mga konsehal ng lungsod, department heads, barangay officials, partners, at mga kawani ng pamahalaang lungsod.
