
DAHIL sa pandemic, temporary na nahinto ang taping ng teleserye ni Lovi Poe na ‘Owe My Love.’ Kaya nagdesisyon na lang muli itong magbakasyon at hintayin ang new normal para muli na siyang makapag-taping.
Minalas talaga siya dahil, umabot na sa six months ay hindi pa rin siya makapag-taping ng kayang teleserye. Miss na raw niyang makapagtrabaho, pero inaalala niya na mas una ang kanyang kalagayan na maging safe sa pandemic na nararanasan sa ngayon.
Hindi naman siya nababahala, dahil kahit papaano may savings siya. Nalulungkot lang siya dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang naaapektuhan ng COVID-19, at dalangin nga niya na malagpasan nating lahat ang mga pagsubok na ito sa ating bansa.
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”