BILANG pagpapatunay ng kanyang reputasyong iron woman ng athletics bansa,kumopo ng gold at silver si Sarah Dequinan sa women’s long jump at javelin throw, kamakalawa upang tanghaling as the most bemedalled athlete sa ikatlong araw ng hoatilidad sa ICTSI Philippine Athletics Championships sa Ilagan,Isabela.
Matapos ang kumbinsidong panalo women’s heptathlon sa score na 4,544 points, mayroon pang isang pinatunayan si Dequinan .
Tampok sa tunggalian ay ang women’s long jump at javelin throw, ang 2019 30th Southeast Asian Games heptathlon queen ay kumaripas ng sprint back-and-forth sa 100 meters upang sabay na magpasiklab sa dalawang events.
Nangibabaw siya sa women’s long jump para sa gold sa lukso niyang 5.79 sa meet na inorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association.
“Okay na ako? Okay na ako? (Am I okay? Am I okay?)” Pahayag ng pagod pero masayang si Dequinan .
“There were more athletes to compete against. Kalaban mo lang yung sarili mo sa hepta. Masaya kasi marami. (It was like battling with myself in the hepta. I was happy we were many competing.),” ani pa ng Valencia,Bukidnon pride na si Dequinan.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan