NAUNGUSAN ni Filipino-American Elijah Cole ang pambatong hometown favorite na si Hokett delos Santos upang pagharian ang men’s pole vault sa kanyang luksong 5.05 meters upang selyuhan ang huling tiket para sa pagsabak nito sa 32nd Cambodia Southeast Asian Games sa pagtatapos ng ICTSI Philippine Athletics Championships kahapon sa Ilagan,Isabela.
Sa kanilang tagisan, Si Cole na nakikipagtunggali para sa bansa sa unang pagkakataon , ay may alat sa simula sa kanyang 4.80-meter mark paro nakaresbak agad sa sumunod na kapana-panabik nilang duwelo ni Delos Santos , may left calf injury habang sumasabak sa mahanging Ilagan Sports Complex .
Isang silver medalist noong 31st Vietnam SEA Games 2022, Ang Ilagan pride ay magiting na lumaban kahit me nararamdaman pero kinapos ng ga- buhok bandang huli at nakuntento na lang sa silver medal sa talon niyang five meters flat.
Ang mga batikang pole vaulters ay pinaglalabanan ang isa sa dalawang slots na lang kung saan ang isang tiket ay pedido na kay defending SEA Games champion at Asian record holder na si Ernest John Obiena, na lumiban sa kaganapan upang ipagpatuloy ang kanyang training sa Europe, ay nakalaan na na para sa kanya
“Of course it is a great honor to represent the Philippines in Camboida , although I wasn’t really able to do what I wanted here,” sambit ni Cole, na may personal best na 5.41 meters.
“The third attempt is always scary and then with the wind it make it the worst possible thing you could ever deal. It was literally the worst case scenario because of the weather and changing poles on the last attempt,” aniya pa
Si Delos Santos, na may personal best na 5.10 meters, ay sinabing ang kanyang injury 3 linggo na ang nakaraan ang lubhang nakaapekto kung kaya hindi siya siyento posiyento sa kundisyon.
“But I had no choice but to compete despite the fact that my left leg, which I use for takeoff, was hurting,” wika ng homegrown athlete na si Delos Santos
More Stories
DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS
Navotas Funbikers
Healthcare Waste Project isinusulong ang Zero Waste Practices sa mga ospital at pasilidad